Miyerkules, Marso 28, 2012



KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay isang proseso-hindi lamang ito kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe.Ito ang tinatawag na proseso ng encoding o ang proseso ng pag-eencode ng mensahe.


Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko-ano mang komunikasyon ay nainpluwensyahan ng oras,lugar,mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso,kung kaya't ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa inpluwensya ng pagbabago ng mga ito.


Mensahe,hindi kahulugan,ang naipadala o natanggap sa komunikasyon-pansinin muli ang kahulugan ng komunikasyon.Ito ay proseso ng pagpapahatid at pagtanggap ng mensahe,hindi kahulugan.Ang pagpapakahulugan ay depende na sa tumatanggap nito.


Hind tayo maaaring umiwas sa komunikasyon-kahit pa tayo'y hindi nagsalita.nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa.Anong uri ito ng komunikasyon?Intrapersonal diba?Lalo na kapag may tao sa ating paligid.Hindi man tayo magsalita,sa ating mga kilos,galaw,kumpas,at anyo hindi man sinasadya ay nakakapagpadala tayo ng mensahe sa iba.


Martes, Marso 27, 2012

ANTAS O LEVEL NG PAKIKINIG


ANTAS O LEVEL NG PAKIKINIG

APPRECIATIVE NA PAKIKINIG-Gamitin ito sa pakikinig upang maaliw.Mahusay na halimbawa nito ang pakikinig ng mga awit sa radyo o konsyerto. 

PAKIKINIG NA DISKRIMINATORI-kritikal na pakikinig ito.Ginigamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan.Sa antas na ito,inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga inpormasyong kanyang napakinggan.


MAPANURING PAKIKINIG-ebalweytiv o selektiv ang pakikinig na ito.Mahalaga rito ang konsentrasyon sa napakinggan.Bukod sa pag-unawa ng napakinggan,ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu sa antas na ito.


IMPLAYD NA PAKIKINIG-sa antas na ito tumutuklas ng isang tagapakinig ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig,ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa level na ito.

INTE NAL NA PAKIKINIG-pakikinig ito sa sarili.Ang pinagtutuunan ng pansin sa level na ito ay ang mga pribadong kaisipan ng isang indibidwal na pilit niyang inuunawa at 3inusuri sa antas na ito.


Huwebes, Marso 22, 2012

PAGSASALITA


Kahalagahan ng Paghinang ng kasanayan sa Mabisang Pagsasalita
-Ang isang epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.Samakatuwid,ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan.Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguan maipahayag ang sarili nang efektibo ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap na isang tao.Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isa't-isa.Lahat sila'y may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng ideya na kanilang maging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod.Ang mga pinakamahusay na guro,mga tanyag na tagapamayapa at maging ang mga kilalang rebelde lahat sila'y may maunlad na kasanayang mag-isip at magpahayag sa pananalita sa harap man ng maliliit o malalaking pangkat ng tagapakinig.Ngunit ang kasanayang nagpatanyag at napaunlad sa kanilang lahat ay isang kasanayang maaaring linangin ng sino mang indibidwal sa kanyang sarili.

Lunes, Marso 12, 2012

Hamon at Pananagutan ng Kabataan

Anuman ang ating kahantungan maging  kaunlaran o lalong pagkabulusok sa kawalan ay walang ibang mapaglalaanan ng papuri o sis kundi tayo mga kabataan ang pag asa ng daigdig.Sa magulang at ninuno,tayong lahat ang papalit.Ito ang hamon ng kasalukuyang panahon sa kakayahan,talino at pagpapahalaga ng mga kabataan.Ngayon,higit kailanman napapanahon ang hamong ito lalo't ngayong ang ating syudad ay lalo pang inaalipin ng mga suliraning sosyo ekonomiko.Kung gayon,mga kapwa ko kabataan sama sama nating tanggapin ang hamong ito.Tanggapin natin ito sa ngalan ng iba pang kabataang patuloy na nagtataya ng sarili sa pagganap sa kani-kanilang gampaning papel sa diyos,sa lipunan at sa bayan.Nawa'y maging silbing inspirasyon ang hamong ito upang simulan at ipagpatuloy nang buong sigasig ang matalinong pakikilahok tungo sa mauunlad na pagbabago.