Martes, Marso 27, 2012

ANTAS O LEVEL NG PAKIKINIG


ANTAS O LEVEL NG PAKIKINIG

APPRECIATIVE NA PAKIKINIG-Gamitin ito sa pakikinig upang maaliw.Mahusay na halimbawa nito ang pakikinig ng mga awit sa radyo o konsyerto. 

PAKIKINIG NA DISKRIMINATORI-kritikal na pakikinig ito.Ginigamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan.Sa antas na ito,inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga inpormasyong kanyang napakinggan.


MAPANURING PAKIKINIG-ebalweytiv o selektiv ang pakikinig na ito.Mahalaga rito ang konsentrasyon sa napakinggan.Bukod sa pag-unawa ng napakinggan,ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu sa antas na ito.


IMPLAYD NA PAKIKINIG-sa antas na ito tumutuklas ng isang tagapakinig ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig,ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa level na ito.

INTE NAL NA PAKIKINIG-pakikinig ito sa sarili.Ang pinagtutuunan ng pansin sa level na ito ay ang mga pribadong kaisipan ng isang indibidwal na pilit niyang inuunawa at 3inusuri sa antas na ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento