Kahalagahan ng Paghinang ng kasanayan sa Mabisang
Pagsasalita
-Ang isang epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga
tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.Samakatuwid,ang
isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa
isipan ng ibang tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan.Pinatutunayan ng
kasaysayan kung paanong ang kabiguan maipahayag ang sarili nang efektibo ay
kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap na isang tao.Ang mga
pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang
ipinagkatulad sa isa't-isa.Lahat sila'y may mataas na antas ng kakayahang
magpahayag ng ideya na kanilang maging kasangkapan upang umakit ng mga
tagahanga at tagasunod.Ang mga pinakamahusay na guro,mga tanyag na tagapamayapa
at maging ang mga kilalang rebelde lahat sila'y may maunlad na kasanayang
mag-isip at magpahayag sa pananalita sa harap man ng maliliit o malalaking
pangkat ng tagapakinig.Ngunit ang kasanayang nagpatanyag at napaunlad sa
kanilang lahat ay isang kasanayang maaaring linangin ng sino mang indibidwal sa
kanyang sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento