Lunes, Marso 12, 2012
Hamon at Pananagutan ng Kabataan
Anuman ang ating kahantungan maging kaunlaran o lalong pagkabulusok sa kawalan ay walang ibang mapaglalaanan ng papuri o sis kundi tayo mga kabataan ang pag asa ng daigdig.Sa magulang at ninuno,tayong lahat ang papalit.Ito ang hamon ng kasalukuyang panahon sa kakayahan,talino at pagpapahalaga ng mga kabataan.Ngayon,higit kailanman napapanahon ang hamong ito lalo't ngayong ang ating syudad ay lalo pang inaalipin ng mga suliraning sosyo ekonomiko.Kung gayon,mga kapwa ko kabataan sama sama nating tanggapin ang hamong ito.Tanggapin natin ito sa ngalan ng iba pang kabataang patuloy na nagtataya ng sarili sa pagganap sa kani-kanilang gampaning papel sa diyos,sa lipunan at sa bayan.Nawa'y maging silbing inspirasyon ang hamong ito upang simulan at ipagpatuloy nang buong sigasig ang matalinong pakikilahok tungo sa mauunlad na pagbabago.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento